MGA ISLA AT MAKINARYA: APAT NA SOLUSYON SA MGA “IMPOSIBLENG” SITWASYON NA NAGPAPAKITA SA’YO KUNG PAANO MO MAPAGTATAGUMPAYAN KAHIT NA ANG PINAKA-MAPAGHAMONG SAGABAL UPANG MAKAMTAN ANG PAGIGING PRODUKTIBO

14-03-2019
Maliit man o malaki, ang hanay ng MB Crusher range ay kayang lutasin ang mga isyu ng pag-access at paglipat ng makinarya sa mga tagong lugar o hindi maaabot na mga lugar tulad ng mga isla.

Maliit man o malaki, ang hanay ng MB Crusher range ay kayang lutasin ang mga isyu ng pag-access at paglipat ng makinarya sa mga tagong lugar o hindi maaabot na mga lugar tulad ng mga isla.

Sa mga nakaraang taon, ang MB Crusher ay nagpapahintulot sa karanasan ng mga kostumer mismo na matulungan ang mga gumagamit na malaman ang potensyal ng kanilang mga makina. Paano? Sa pamamagitan ng panonood ng mga video para sa mga baguhan kung paano pinapagalaw ang makina, na nilikha ng mga mismong gumagamit kasama ang sariling reviews at larawan ng mga customers.

"Naging mas kawili-wili – paliwanag ni Diego Azzolin, Direktor ng produksyon nang MB Crusher - na maaari nating matutunan ang ilang mga kapaki-pakinabang na mga bagay mula dito. Kadalasan ang pinakamahalagang mga ideya ay lilitaw kapag natuklasan mo ang potensyal ng isang makina, marahil sa loob ng isang ganap na naiibang konteksto mula sa iyong sarili, ngunit isa na may katulad na mga kinakailangan. Ang pagpapalitan ng impormasyon ay nagpapahintulot sa’yo na makagawa ng mas mahusay na mga desisyon at ang hakbang na ito ay patungo sa pagbibigay-daan sa’yo upang madagdagan ang kahusayan pati na rin ang pagiging produktibo ng lugar. Ito ay kung minsan nagiging kaso ng aming mga customer, sa pamamagitan ng paggamit ng aming makinarya sa paraang aking maituturing bilang 'inspirasyon', iminumungkahi ang mas malawak na mga aplikasyon para sa aming makinarya.

MGA ISLA AT MAKINARYA: APAT NA SOLUSYON SA MGA “IMPOSIBLENG” SITWASYON NA NAGPAPAKITA SA’YO KUNG PAANO MO MAPAGTATAGUMPAYAN KAHIT NA ANG PINAKA-MAPAGHAMONG SAGABAL UPANG MAKAMTAN ANG PAGIGING PRODUKTIBO

Ang "imposibleng" mga sitwasyon na aming natutunan sa isla ng Rab sa Croatia. Dito, ang pangunahing hamon ay ang humahadlang na halaga ng materyal ng quarry, na kinakailangan para sa paglikha ng mga roadbeds para sa mga daanan na kalsada papunta sa lugar ng konstruksiyon, na sa kasong ito ay may kaugnayan sa paghuhukay ng lupa para sa pagbuo ng maraming mga bahay. Natagpuan namin ang solusyon sa panahon ng trabaho sa paghuhukay: ang mga durog na bato mismo ay naging may halaga nang ginamit naming ang mga compact crusher buckets ng MB Crusher range o hanay, na nakakabit sa isa sa mga backhoe loaders (JCB 4CX) ng kanilang kalipunan. Ito ay isang madaling tagumpay: ang lugar ng konstruksiyon, nang walang anumang tulong sa labas at gumagawa ng kabuuang pagtitipid, sa pagdurog ng materyal nang direkta sa site, gamit ang isang makinarya sa paglilipat ng lupa, sa gayon ay inaalis ang mga gastos sa paghahakot at pagtatapon. Ang pandurog na timba o crusher bucket na ginamit ay ang MB-L200: siksik sa laki, ito ay isa sa mga pinaka-makatuwirang presyo at madaling mapakilos sa saklaw o hanay ng MB Crusher. Ang pandurog o crusher ay ganap na magkatugma sa mini-loaders na hanggang sa anim (6) na tonelada at ng backhoe loaders at loaders na nasa pagitan ng pito (7) at sampung (10) tonelada

MGA ISLA AT MAKINARYA: APAT NA SOLUSYON SA MGA “IMPOSIBLENG” SITWASYON NA NAGPAPAKITA SA’YO KUNG PAANO MO MAPAGTATAGUMPAYAN KAHIT NA ANG PINAKA-MAPAGHAMONG SAGABAL UPANG MAKAMTAN ANG PAGIGING PRODUKTIBO

Ang aming pangalawang halimbawa ay nagdadala sa amin sa Mayotte Islands, Arkipelago ng Comoros, sa gitna ng Indian Ocean. Dito, ang halatang hamon ay ang pakakaroon ng daanan, hindi lamang sa mga isla kundi sa mga basalt rock quarries, na kung saan ang rubble o mga durog na bato ay ginagamit upang lumikha ng mga dike o pilapil sa kalsada. Sa kontekstong ito, ang mga malalaking makinarya ay walang gamit, dahil ang timbang nito at laki ay sagabal. Ang pinakamahusay na solusyon ay ang paggamit ng isang napakalakas at madaling mapakilos na pandurog: Ang MB Crusher BF135.8. Sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakamalaking modelo sa hanay nito, mayroon din itong isang siksik na disenyo. Mula sa isang teknikal na pananaw ito ay madaling patakbuhin at ilipat, nang hindi nangangailangan ng mga espesyal na sasakyan. Sa gawa nito na 88 metro kubiko kada oras, at kapasidad na humigit-kumulang sa 1.60 metro kubiko ang paggawa nito ay isang madaling tagumpay, tulad ng ipinakita sa video na ginawa ng mga tagapamahala ng site.

Ang aming paghahanap para sa mga makabagong solusyon ay humahantong sa amin sa Cayeux-sur-Mer, isang natatanging pang-industriya sa sentro ng France. Ang maliliit na bato ng Kwats sa kahabaan ng baybayin ng lagusang Ingles ay ang s’yang pinakadalisay sa mundo (99% purong silica o kwats).

Ang kinakailangan ay ang makaiwas sa gastos sa paglilipat ng mga materyales mula sa dalampasigan, na kung hindi man ay dapat ihiwa-hiwalay, pinag-uri-uri, ikarga at ipadala. Isang partikular na dinamiko at makabagong kumpanya ang nakatagpo ng solusyon

sa pamamagitan ng paggamit ng isang makina: ang MB Crusher screening bucket ay kumukuha ng mga maliliit na bato, naghihiwalay sa kanila sa pamamagitan ng pag-alis ng buhangin, at pumipili ng materyal ayon sa sukat. Ang lahat ng ito ay nagaganap sa dalampasigan mismo. Lahat ng mga timbang pang-skrening sa hanay ng MB Crusher ay idinisenyo upang iproseso ang mga hilaw na materyales sa mga quarries o tibagan at mga lugar ng konstruksiyon dahil ito ay nilagyan ng mga baskit na binubuo ng mga mapagpapalit na mga panels na may magkaibang sukat na mga butas depende sa mga kinakailangan. Sa halimbawa ng Cayeux-sur-Mer, ang MB-LS220, malinaw na nakikita sa video at naka-kabit sa isang Caterpillar 962M wheel loader, ay perpekto: ito ay malaki at malakas at sa pamamagitan ng pre-screening ay nagtagumpay ito sa pagbawas ng oras ng pagdurog ng hanggang sa 60%.

Lorem ipsum

Lorem ipsum

Cayeux-sur-Mer - Screening bucket MB-LS220

Cayeux-sur-Mer - Screening bucket MB-LS220

MGA ISLA AT MAKINARYA: APAT NA SOLUSYON SA MGA “IMPOSIBLENG” SITWASYON NA NAGPAPAKITA SA’YO KUNG PAANO MO MAPAGTATAGUMPAYAN KAHIT NA ANG PINAKA-MAPAGHAMONG SAGABAL UPANG MAKAMTAN ANG PAGIGING PRODUKTIBO

"Ang pagiging isang kumpanya na nagbebenta ng sarili nitong mga produkto sa buong mundo ay nangangahulugan na ang MB Crusher – pagpapatibay ni Diego Azzolin - ay may isang mahusay na pangkalahatang-ideya ng mga hamon at mga solusyon, produktibo at gastos, mga balakid at mga makabagong-likha ng pangkalahatang trabaho na may kinalaman sa kalsada, mga operasyon sa paglipat ng lupa, mga tibagan at mga mina, trabahong pangkonstruksyon, trabaho ng pagwawasto, recycling, pagpapanumbalik ng kapaligiran. Mayroon kaming pandaigdigang reputasyon para sa mga makabagong produkto tulad ng aming mga pandurog (crushers) at pangsckreening na timba (screening buckets), kung saan, ang mga ito ay madaling maipakilos at gamitin, at maaaring gamitin sa anumang lokasyon, ang mga gastos ay nagiging kita at ang mga balakid o sagabal ay nagiging isang pagkakataon o oportunidad. Malaki man o maliit, ang MB Crusher machine ay nagpatunay na pinakamahusay at pinakasulit na pagpipilian kahit pa sa mga pinaka-mapaghamong mga lokasyon, tulad ng mga isla. Nasisiyahan din kami na kami ay nakakapagtrabaho sa gayong kalapit na pakikipagsosyo sa aming mga kostumer upang matulungan silang piliin ang pinaka-angkop na makinarya, at sa pamamagitan ng aming kagustohan na ibahagi ang aming mga karanasan at ideya sa buong industriya. Sa lahat ng mga kalsada sa mundo."